Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo na ang tatlo ay isinailalim na sa restrictive custody sa Police Regional Office Iv (Calabarzon) Headquarters sa Calamba City.
Ayon pa kay Fernando, positibo na kasing kinilala ang tatlong pulis sa pagdinig sa Senado, sa pangunguna ni Sen. Ronald dela Rosa, na may kinalaman sa pagkawala ng ahente na si Ricardo Lasco sa San Pablo City sa Laguna noong nakaraang taon.
Sinibak na rin aniya si Police Col. Bogart Campo bilang director ng Laguna Provincial Police Office dahil sa diumano’y pagtanggap ng P1 milyon mula kay gambling consultant Atong Ang.
Sabit din sa pagkawala ni Lasco sina Police Staff Sgt. Daryl Paghangaan at Pat. Roy Navarette, bukod pa kay Master Sgt. Michael Claveria.
Nabanggit din ni Fajardo na matagal nang inalis sa puwesto ang tatlong nabanggit na pulis.