OCTA: Pilipinas, kasama ang ilang bansa sa Southeast Asia, nasa ‘very low risk’ category pa rin sa COVID-19

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Nasa ‘very low risk’ status sa COVID-19 ang ilang bansa sa Southeast Asia, ayon sa OCTA Research.

Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang March 22, nasa ‘very low risk’ na ang Pilipinas, China, Myanmar, Cambodia, Taiwan, at Timor Leste.

Mayroong 0.43 na average daily attack rate (ADAR) o average number ng mga bagong kaso kada 100,000 population ang Pilipinas, 0.16 sa China, 0.71 sa Myanmar, 0.67 sa Cambodia, 0.41 sa Taiwan, at 0.29 sa Timor Leste.

Nasa ‘moderate risk’ naman ang Indonesia na may 3.06 na ADAR.

Samantala, ‘very high risk’ status naman ang Japan, Thailand, at Malaysia.

“South Korea, Vietnam, Hong Kong, Singapore and Brunei on a SEVERE OUTBREAK,” ani David.

Read more...