Congressional candidate Rose Nono Lin, binatikos sa vote buying

Nagsagawa ng kilos-protesta at vigil ang Koalisyong Novalenyo Kontra Korapsyon (KNKK) sa harap ng headquarters Congressional candidate at Pharmally executive Rose Nono Lin sa Barangay San Bartolome, Quezon City.

Ito ay para kalampagin si Lin sa umano’y vote buying.

Ayon kay Sarah Villalino, convenor ng KNKK at Coordinator ng 1SAMBAYAN-Novaliches, nais nilang papanagutin si Lin sa pagkamatay ng 60-anyos na si Emelita Deguangco na nasawi noong Marso 19 habang naghihintay ng payout.

Binabatikos din ng grupo ang ugnayan ni Lin sa Pharmally na nabalot ng kontrobersiya dahil maanomalyang pagsu-supply sa mga equipment kontra COVID-19.

“Dahil sa bilyun-bilyong nakurakot ng Pharmally, nagagawa ni Rose Nono Lin ngayon na bumili ng boto at paasahin ang mga Novalenyo. Ang kapabayaan, ganid at korupsyon ni Rose Nono Lin ang nagdulot sa trahedyang eto kung saan ang Senior Citizen nating kababayan ay iniwan at pinabayaan lang mamatay sa ospital,” pahayag ni Villalino.

Ayon sa mga saksi, ilang oras na naghintay si Deguangco sa ilalim ng mainit na araw.

Wala man lang tubig o upuan na ibinigay kay Deguangco dahilan para bawian ito ng buhay.

Si Lin ay asawa ni Pharmally Pharmaceutical Financial Manager Lin Wei Xiong.

Nahaharap ang mag-asawa sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman.

Read more...