Sisimulan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-assess sa 41,906 Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa buong bansa sa April 1, 2022.
Layon nitong masigurong maitutuloy ang progreso at pagpapabuti ng implementasyon, monitoring, at evaluation ng anti-illegal drugs activities sa mga lokalidad.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, “BADACs have a critical role in the whole-of-government approach in countering the proliferation of illegal drugs in the communities.”
Mahalaga aniya ang pagsasagawa ng assessment ng BADAC upang matiyak na ang bawat BADAC ay hindi lamang organisado, kundi gumagana at naaabot ang itinakdang standard ng gobyerno.
“The Duterte administration is resolute in its anti-illegal drugs campaign down to the communities until the last day of his term, and guaranteeing BADACs are well-oiled or smoothly functioning and assessing their progress are contributory to protecting communities against illegal drugs and their perpetrators,” dagdag nito.
Sinabi ng kalihim na kailangang i-assess ng DILG Regional Offices ang hindi bababa sa 93 porsyento ng mga BADAC.
Ayon sa National Barangay Operations Office (NBOO) ng DILG, mayroong 41,906 BADAC sa bansa, kung saan 20,440 ang nabuo sa Luzon, 11,413 sa Visayas, at 10,053 sa Mindanao.
Ani Año, naka-hold ang assessment sa mga barangay na nasa ilalim ng Alert Levels 3, 4, at 5. Ipagpapatuloy ang assessment oras na ipatupad ang Alert Level 2 at pababa sa kanilang lugar.
“We must adapt as the COVID-19 pandemic is still within our midst. BADAC assessment must take a pause kung mataas ang kaso ng COVID-19 sa lugar,” dagdag nito.
Dapat aniyang maisumite ang provincial, city, o municipal audit reports sa DILG RO base sa itinakdang deadline ng DILG Central Office sa pagsusumite ng Regional Summary Report sa NBOO bago ang July 15, 2022.