Swerteng-swerte!
Ito ang naging reaksyon ni Aksyon Demokratiko presidential bet Manila Mayor Isko Moreno sa pag-endorso ng PDP-Laban sa kandidatura ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Paliwanag ni Moreno, nangunguna na nga sa presidential survey si Marcos, may sariling partidong pulitika at nakuha pa ang suporta ng pinakamalaking partido.
WATCH: Aksyon Demokratiko pres’l bet Manila Mayor Isko Moreno on the endorsement of PDP-Laban on Ferdinand Bongbong Marcos Jr.: Talagang pinagpapala. Swerteng-swerte siya. He is leading the survey, he has his own party, tinulungan pa ng malaking political party. @radyoinqonline pic.twitter.com/FzOmwMsINr
— chonayuINQ (@chonayu1) March 23, 2022
Pero ayon kay Moreno, hindi naman siya natatakot o natitinag.
Pag-amin pa ni Moreno, lalo siyang mahihirapang labanan si Marcos.
WATCH: Aksyon Demokratiko pres’l bet Manila Mayor Isko Moreno sa pag-endorse ng PDP-Laban kay Bongbong Marcos: Hindi ako threatened pero syempre mas lalong hihirap ang laban ko. @radyoinqonline pic.twitter.com/Fof9Yyvp9Y
— chonayuINQ (@chonayu1) March 23, 2022
Nangunguna si Marcos sa mga presidential survey, pangalawa si Vice President Leni Robredo at pangatlo si Moreno.
Pero kahit nasa ikatlong pwesto, hindi nawawalan ng pag-asa si Moreno.
May awa aniya ang Diyos at tiyak na gagabayan siya at ang mga botante sa Mayo 9.