PNP, may 26 pang aktibong kaso ng COVID-19

Nanatili sa 26 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (March 23), isang pulis na bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, 48,857 na ang confirmed COVID-19 cases sa PNP.

Isa ring pulis ang bagong gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,703 na ang total recoveries.

Samantala, wala muling bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, nanatili sa 128 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...