Pumalo na sa 474.08 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 474,082,766 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,476,269 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,012,591 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 29,683,686 naman ang kaso sa Brazil habang 24,342,116 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 20,413,731
– Germany – 19,134,583
– Russia – 17,637,795
– Turkey – 14,726,276
– Italy – 13,992,092
– Spain – 11,378,784
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,121,926 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 410,072,574 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.