Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga Filipino ay magtatrabaho sa mga hotel sa Israel.
Inaasahang mangangailangan na ng ‘full work force’ sa mga hotel dahil sa inaasahan na pagdagsa ng mga turista sa Holy Land.
Una nang inanunsiyo ng gobyerno ng Israel na papasukin na nila ang mga vaccinated at unvaccinated tourist bilang bahagi nang pagpapaluwag ng kanilang travel at health restrictions.
Kamakailan, nakipagpulong si Philippine Ambassador to Israel Macairog Alberto sa mga opisyal ng Israel Hotel Association (IHA) at napag-usapan ang pagpapabilis ng pagpapadala ng Filipino hotel workers.
Ayon sa IHA, 800 hotel workers ang kanilang kailangan at ito ay maaring lumubo pa sa 2,000.
Ang pag-alis ng 500 Filipino ay para sa paggunita ng Passover, gayundin ng Holy Week sa Israel.