14 lugar sa NCR, mababa na sa 10 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Sa 17 na lugar sa National Capital Region (NCR), 14 na lugar ang mababa na sa 10 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, base sa datos ng Department of Health (DOH), 103 ang kabuuang bagong COVID-19 cases na napaulat sa Metro Manila sa araw ng Martes, March 22.

Pinakamaraming naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa Parañaque City (22), sumunod ang Maynila (16), at Quezon City (11).

Walong COVID-19 cases naman ang napaulat sa Mandaluyong City, pito sa Caloocan City, anim sa Makati City, at tig-lima sa Pasig City, Pasay City, at Taguig City.

Base pa sa datos, tig-apat na bagong kaso ng nakahahawang sakit ang naitala sa Las Piñas City, at Malabon; tatlo sa Navotas City; tig-dalawa sa Marikina; at Valenzuela; habang tig-isa naman sa Muntinlupa City, San Juan, at Pateros.

Nauna nang sinabi ng OCTA Research na nananatili sa ‘very low risk’ classification sa COVID-19 ang Pilipinas.

Ngunit, ipinaalala nito ang patuloy na pagsunod sa health protocols.

Read more...