Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng gabi.

Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 400 kilometers ng Balut Island, munisipalidad ng Sarangani.

Naramdaman ang pagyanig bandang 9:28 ng gabi.

May lalim na 167 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala matapos ang lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks sa mga karatig-bayan.

Read more...