Political party ng isang presidential candidate, napasok na ng komunistang rebelde – Pangulong Duterte

PCOO photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na napasok na ng komunistang rebelde ang isang political party na pinamumunuan ng isang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

Sa “Talk to the People,” nakiusap ang Pangulo sa publiko na huwag sumali sa mga rebeldeng kasabwat ng political parties na nasa kabilang bakod.

Gayunman, hindi na tinukoy ng Pangulo kung anong partidong political ang umano’y nakipagsabwatan na sa komunistang rebelde.

Ayon sa Pangulo, mayroon namang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para lapitan ng mga rebelde sa halip na ang mga pulitiko.

Nakahanda aniya ang NTF-ELCAC na tumulong at magbigay ng ayuda sa mga sumusukong rebelde.

Mayroon aniyang pabahay at pang-kabuhayan na alok ang NTF-ELCAC.

Umaasa ang Pangulo na ipagpapatuloy ng susunod na pangulo ng bansa ang mga nasimulang programa ng NTF-ELCAC.

Read more...