26 pulis, nagpapagaling pa sa COVID-19

Nanatili sa 26 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (March 22), walang pulis na bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, 48,856 pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa PNP.

Wala ring pulis na bagong gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,702 pa rin ang total recoveries.

Samantala, wala muling bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, nanatili sa 128 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...