Paggamit ng face mask, tuloy pa rin – Pangulong Duterte

PCOO photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duerte na alisin na ang paggamit ng face mask.

Ito ay kahit na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi pa niya maaring bawiin ang ipinalabas na kautusan na mandatory ang paggamit ng face mask, lalo na sa mga enclosed na lugar.

“The numbers are very low compared to the population. But you know itong mask na ano maraming nagtatanong, alam mo I am not ready to order the removal of the mask,” pahayag ng Pangulo.

Katwiran ng Pangulo, patuloy na nagbabanta ang COVID-19.

Katunayan, nangangamba ang Pangulo na maaring may sumulpot na bagong variant ng virus.

“So whether we like it or not, kung totoo ‘yan, it will reach again the shores of our country,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa 90,585 katao ang nahuling hindi nagsusuot ng face mask sa nakalipas na dalawang linggo habang nasa 931 ang nahuli sa mass gatherings at 34,000 ang nahuli dahil sa hindi pagsunod sa physicial distancing.

Matatandaang bukod sa face mask, ipinag-utos din noon ni Pangulong Duterte ang paggamit ng face shield.

Pero nang bumaba ang kaso ng COVID-19, binawi na ni Pangulong Duterte ang naturang kautusan.

“Pero siguro ‘yung plastic na ano cover puwede na ‘yun pero it has I said it has done a lot of good that prevented the contaminations from spreading. So matagal pa ito. And there are reports I said that I don’t know if it’s — subject to confirmation — na may bagong COVID found in Israel,” pahayag ng Pangulo.

Read more...