Isko Moreno hindi patitinag sa pag-indorso ng PDP-Laban kay BBM

“Good for him.”

Reaksyon ito ng kampo ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno sa pag-indorso ng PDP-Laban sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Ernest Ramel, chairman ng Aksyon Demokratiko, hindi patitinag si Moreno sa naging hakbang ng PDP-Laban.

Patuloy aniya si Moreno sa pagpunta sa lahat ng sulok at mga barangay para makakuha ng pinakamahalagang endorsement mula sa mamamayang Filipino.

Inindorso ng PDP-Laban na paksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Marcos.

Una rito, sinabi ni Moreno na umaasa siyang makukuha ang pag-indorso ni Pangulong Duterte sa eleksyon sa Mayo 9.

 

Read more...