Proklamasyon ng mga nanalong Senador at Party-list groups tuloy na

Bautista
Inquirer file photo

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na handa na bukas ang proklamasyon ng mga nanalong Senador at Party-list groups.

Alas-tres ng hapon bukas ay kanila nang ipo-proklama ang mga nanalo ayon sa advisory ng poll body.

Kaninang hapon ay tinapos na rin ng Comelec ang canvassing sa lahat ng mga Certificate of Canvass para sa nakalipas na halalan.

Sa susunod na linggo naman magko-convene ang Senado at Kamara para sa joint congressional canvassing ng mga boto para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Nagpasaklolo naman sa Supreme Court si dating Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino para harangin ang proklamasyon bukas ng mga nanalong Senador.

Sinabi ni Tolentino na dapat ay dumaan sa review ang mga boto mula sa ika-sampu hanggang sa ikalabing-tatlong pwesto ng mga nanalong Senador dahil sa umano’y discrepancies sa naganap na canvassing of votes.

Si Tolentino ay nasa 13th place sa pinakahuling bilangan ng mga boto.

Read more...