Duterte pinayuhan ni Trillanes na mag-ingat sa mga Komunista

Duterte-Trillanes2
Inquirer filephoto

Isang unsolicited advice ang ibinigay ni Sen. Antonio Trillanes IV sa kanyang political nemesis na si incoming President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Trillanes na dating junior officer ng Philippine Navy na dapat maghinay-hinay si Duterte ng pagbibigay ng mga posisyon sa pamahalaan sa mga kasapi ng komunistang grupo.

Ayon kay Trillanes, hindi naman daw nakatitiyak ang susunod na administrasyon na magbabalik-loob sa pamahalaan ang ilang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) kapag nabigyan sila ng pwesto sa gobyerno.

Partikular na tinukoy ni Trillanes sina CPP leaders Jose Maria Sison at ang mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon.

Pero depensa ng mambabatas, wala namang masama pagpasok ng mga CPP members sa pamahalaan at sa muling pagbubukas ng peace talk sa maka-kaliwang grupo.

Nauna nang sinabi ni Duterte na inilalaan niya sa komunistang grupo ang pamumuno sa Department of Agrarian Reform, Department of Social Welfare and Development, Department of Environment and Natural Resources at Department of Labor and Employment.

Read more...