Inindorso na ng PDP-Laban na paksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Base sa resolusyon na nilagdaan ni Energy Secretary at PDP-Laban president Alfonso Cusi, sinabi nito na si Marcos ang kandidato na may platapormang tugma sa development program ni Pangulong Duterte.
Paliwanag ni Cusi, natagalan ang pag-indorso ng PDP-Laban kay Marcos dahil kailangan pa nilang makumbinsi kung karapat dapat itong bigyan ng suporta.
Ayon kay Cusi, ang kredibilidad ni Marcos ang kanilang naging basehan sa pag-indorso.
Una rito, inindorso na ng PDP-Laban ang kandidatura ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.
Nagpasalamat naman ang kampo ni Marcos sa PDP-LABAN.
Ayon kay Atty. Vic Rodriquez, tagapagsalita ni Marcos, makaasa ang PDP-Laban na patuloy na isusulong ng UniTeam ang pagkakaisa.