Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na huwag nang galawin ang hindi nagamit na P4.99 bilyong pondo sa Bayanihan to recover as One Act o Bayanihan 2.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na itabi na lamang ang pondo dahil sa posibilidad na magkaroon nng surge ang COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, ibinalik na sa Bureau of Treasury ang p4.99 bilyon o katumbas ng 54.96 percent ng released budget ng Bayanihan 2.
Nakalaan sana ang pondo para ipang-ayuda sa mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises.
Nangangamba ang Pangulo na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maiulat na mayroong bagong variant sa Israel.
MOST READ
LATEST STORIES