Binatikos ni reelectionist Senator Leila de Lima ang pangangatuwiran ng Malakanyang sa hindi pagsuspindi sa operasyon ng online sabong.
Ayon kay de Lima mas pinanghinayangan ng administrasyong-Duterte ang kita sa online sabong kaysa sa buhay ng mga tao, gayundin ang masasamang epekto nito.
“There is no reason to allow e-sabong to continue to operate if it brings more harm than good. Hindi dapat ibinibida ng gobyerno yung malaking kita sa sugal. Sa halip ang dapat ipinapaliwanag sa mga tao ay ang mga hindi magandang epekto ng sugal lalo na sa mga kabataan,” sabi pa ni de Lima.
Dagdag pa ng senadora, ang anuman nawawalang kita ay maari naman bawiin sa ibang paraan.
Kung mas matimbang ang masasamang epekto ng e-sabong, ayon pa sa senadora, kaysa sa sinasabing kabutihan na naidudulot nito, dapat lang aniya na itigil na ito.