Manny Pacquiao ibibigay lahat ng kondisyon ni BBM sa debate

Handa si PROMDI presidential aspirant Manny Pacquiao na pagbigyan ang lahat ng kondisyon ni Bongbong Marcos Jr., para lang makapag-debate silang dalawa.

Kasunod ito nang paghahamon niya sa kapwa nangangarap maging pangulo ng bansa sa isang debate.

Sinabi ni Pacquiao na baka nahihiya lamang si Marcos na makipag-debate sa harap ng maraming tao.

“Sa akin kung paano niya… baka nahihiya siya sa maraming aatend. Okay sa akin magdebate kaming dalawang lang… kaming dalawa lang. Tingnang natin kung ano ang plataporma niya, kung ano ang plataporma ko,” sabi pa nito.

Ginawa ni Pacquiao ang hamon bilang reaksyon sa pahayag ni Marcos na sa ikinasang debate ng Commission on Elections (COMELEC) noong Sabado, nalaman niya na hindi pinag-isipan ng husto ang plataporma ng kanyang mga kapwa kandidato.

Nang tanungin kung tatanggi pa rin si Marcos sa kanyang hamon, sinabi ni Pacquaio; “Karapatan niya iyon. Pero ang taumbayan na ang mag-iisip nong kung bakit siya tatanggi at bakit hindi niya sabihin ang plataporma niya.”

Read more...