Liza Marcos, pinondohan ang Bar exams ng mga estudyante sa pamamagitan ng sweldo sa pagtuturo

Screengrab from The Boy Abunda Talk Channel/YouTube

Ibinahagi ni Liza Araneta-Marcos, maybahay ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdo-donate niya ng kanyang suweldo sa pagtuturo bilang “puhunan” para sa Bar Exam Operations ng kanyang mga estudyante, lalo na ang mula sa lalawigan.

Ibinuhos ni Ginang Marcos ang kanyang suweldo sa pagtuturo para makatulong sa pagbili ng pagkain, pamasahe, at hotel expenses sa loob ng isang buwan na Bar Operations ng kanyang mga estudyante.

Sa “The Interviews Of The Wives And Children Of The 2022 Presidential Candidates featuring Liza Marcos and Vinny Marcos” na mapapanood sa “The Boy Abunda Talk Show Channel”, ibinahagi ni Mrs. Marcos na nang malaman niyang mabigat para sa mga estudyante ang gastusin sa pagpapa-photocopy ng bar tips at reviewers ay agad siyang nagbigay ng free access sa mga dati niyang estudyante ng photocopying machines para makapaghanda sa susunod na next sets ng exams.

Bago magpandemya, lahat ng nagnanais maging abogado mula sa lahat ng panig ng bansa ay kailangang kumuha ng Bar examinations sa University of Sto. Tomas sa loob ng apat na sunod na araw ng Linggo.

Nagturo si Ginang Marcos ng law subjects sa iba’t ibang eskuwelahan sa bansa, gaya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Far Eastern University, Northwestern University, Mariano Marcos State University, at Saint Louis University sa Baguio City.

Nang tanungin kung ano ang kanyang magiging papel sakaling maging first lady, malinaw na sinagot ni Mrs. Marcos na wala siyang balak pumasok sa politika, dahil ang pagiging abogado at law professor ang nagpapasaya sa kanya.

Read more...