7-day average new cases ng COVID-19 sa NCR, bumaba

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Bumaba ang 7-day average new cases ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakapagtala ng 163 na 7-day average new cases mula March 14 hanggang 20, 2022.

Mas mababa ang naturang datos kumpara sa 170 na 7-day average new cases mula March 7 hanggang 13.

Bumaba rin ng -4 percent ang growth rate sa Metro Manila, habang 2.5 percent naman ang positivity rate sa nakalipas na isang linggo.

Tumaas naman ang reproduction number sa NCR sa 0.38, mula sa 0.26.

Samantala, sinabi ni David na walang napaulat na datos ukol sa healthcare utilization rate at ICU occupancy, ngunit inaasahang nasa low level pa rin ito.

“Overall, the NCR remained at low risk but is very close to very low risk,” ani David.

Read more...