Abiso sa mga motorista.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magpapatupad ng bigtime price rollback sa mga produktong petrolyo.
Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, Shell, at Total Philippines, may kaltas na P11.45 sa kada litro ng diesel habang P5.45 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.
Mababawasan naman ng P8.55 ang bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.
Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (March 22).
Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, Shell, at Total Philippines bandang 6:00, Martes ng umaga.
Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.