STEM courses sa bansa, popondohan ni Moreno

Screengrab from COMELEC’s FB livestream

Popondohan ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang STEM Courses sa bansa. Ito ay ang Science Technology, Engineering, at Mathematics.

Pero ayon kay Moreno, dadagdagan niyo ito ng kursong Agrikultura para maging competitive ang mga Filipinong estudyante sa ibang bansa at magkaroon ng food security ang Pilipinas.

“Kung kailangan mag-catch up dun sa mga lost opportunities, sa mga nag-aral, graduates natin ngayon, then so be it, we’ll invest on it. But let’s move on towards sa goal natin para sa ating mga kababayan para sila maging competitive sa mundo. Ang akin pong direksyon ay una, nasabi ko na, I’ll invest on STEM. Irere-direct ko going to STEM – Science, Technology, Engineering and Mathematics. But, going around the country, nakita ko po yung buhay ng magsasaka na nagbibigay sa akin ng pagkain. Kaya ang gagawin ko, STEAM… S-T-E-A-M. A for Agriculture,” pahayag ni Moreno.

Naniniwala si Moreno na ang pagpapalakas sa agriculture courses ay magbibigay-daan sa mga estudyante para mapalawak ang kaalaman.

“We will invest such money, mamumuhunan tayo. Bigyan natin yung mga state universities katulad ng sa Tarlac.Katulad sa sa UP Los Banos. Ang daming state universities sa Mindanao na maaaring magturo muli ng agrikultura para magkaroon tayo ng food security dahil itong pandemyang ito tinuruan na tayo na maging maingat at mag-produce ng sarili nating pagkain at huwag tayong umasa sa mga imported food products. We have to be food sufficient. We ready our students in the future in terms of science and technology and agriculture. Yan po ang aking plano, mga kababayan,” pahayag ni Moreno.

Read more...