Ipinagdiinan ni Vice Presidential aspirant Vicente “Tito” Sotto III na hindi magiging maganda kung papatulan niya ang isang panagawan ng kapwa niya kandidato na mag-withdraw na lamang ang lahat at suportahan ang una.
Katuwiran ni Rizalito David, tanging si Sotto lamang ang may tsansa na talunin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nanawagan si David na umatras na ang kapwa vice presidential aspirants at sama-samang suportahan si Sotto.
“You know, it will be very unethical for me to comment. I’m sorry,” ang komento ni Sotto matapos ang vice presidential debate ng Commission on Elections (Comelec), Linggo ng gabi.
Ipinagdiinan na lamang nito ang kanyang 30 taong karanasan bilang serbisyo-publiko kaya’t aniya, handang-handa siyang maging pangalawang pangulo ng bansa.
Hindi naman pinatulan ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang nais ni David, samantalang sinabi ni Walden Bello na hindi siya aatras sa kanyang pangarap na maging pangalawang pangulo ng bansa.