Withdrawal at substitution policy, rerebyuhin ng Comelec pagkatapos ng May polls

Pag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang polisiya na gumagabay sa withdrawal and substation ng mga kandidato pagkatapos ng eleksyon sa darating na Mayo.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na maging ang isyu ukol sa nuisance candidates ay nararapat lang na suriin.

Batid aniya nila na marami ang nagsasabi na naabuso ang pagbawi ng kandidatura at pagpapalit ng kapartido kaya’t nararapat lamang na alamin kung may basehan ang mga alegasyon.

Ngunit paglilinaw ng opisyal, sila ay nagpapatupad lamang ng mga batas na ipinapasa ng Kongreso.

Nabatid na sa mga naghain ng kanilang certificates of candidacy (COCs) para sa nalalapit na eleksyon, 19 ang umatras, samantalang 10 naman ang ‘substitute candidates.’

Read more...