Marcos, humiling na igalang ang karapatang pumili ng kandidato sa 2022 elections

Photo credit: former Sen. Bongbong Marcos/Facebook

Humiling si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na igalang ang karapatan ng bawat isa na pumili ng kandidatong susuportahan sa 2022 elections.

Pahayag ito ng dating senador kasunod ng pagtaas ng bangayan sa pagitan ng mga tagasuporta ng mga kandidato sa iba’t ibang social media platforms.

Wala aniyang rason para mag-away-away ang bawat isa kung sino ang napupusuang kandidato.

“Let’s respect each other’s freedom to choose. My response to hateful speech has always been to maintain a dignified silence because bickering is a waste of time,” ani Marcos.

Dagdag nito, “Now more than ever, we should not lose sight of our goal of uniting the country and helping our people free themselves from the grip of poverty that has weakened his belief in himself.”

Huwag sana aniyang mawala ang pakikipagkapwa-tao habang papalapit ang halalab.

Mas matimbang pa rin aniya ang pamilya at pagkakaibigan kaysa sa anumang paniniwalang pulitikal.

It’s time for us Filipinos to rediscover our inner strength and realize that we can chart a better path for ourselves. My mission as a leader is to create opportunities that will enable people to make their dreams a reality,” saad ni Marcos.

Read more...