Angelica Panganiban, inanunsiyo ang pagbubuntis

Photo credit: @iamangelicap/Instragram

“Ay na-post!!🤰”

Inanunsiyo ng aktres na si Angelica Panganiban ang pagbubuntis sa kanilang unang anak ng boyfriend na si Gregg Homan.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang video ng ultrasound at larawan ng kaniyang baby bump.

Photo credit: @iamangelicap/Instagram

“Sa wakas!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako,” saad ni Angelica.

Biro pa nito, “Opo, may matres ako mga baklaaah!”

Nagpasalamat ang aktres sa mga kaanak, kaibigan at mga aniya’y “marites” na sumusuporta, nagdidiwang, at nagdadasal para sa kanilang pamilya.

Bumuhos naman ang pagbati kina Angelica at Gregg.

Read more...