Lider na “competent, qualified, and experienced” ang tutupad ng mga pangako sa bansa – Lacson

Screengrab from COMELEC’s FB livestream

Inisa-isa ni Partido Reporma Presidential bet Panfilo “Ping” Lacson ang kaniyang mga karanasan bilang public servant ng bansa.

Sa unang Comelec presidential debate, Sabado ng gabi (March 19), inihayag ni Lacson ang kaniyang mga nagawa nang magsilbi bilang sundalo, hepe ng Philippine National Police (PNP), at senador.

“Mula sa pagiging sundalo at alagad ng batas na lumaban sa terorismo, rebeldeng komunista, at mga kriminal. Bilang Chief PNP na nagpatino at naglinis sa hanay ng kapulisan. Bilang senador na kailanman, hindi nabahiran ng korupsyon,” saad nito.

Nais aniya niyang ipagpatuloy ang pagsisilbi sa bansa.

Ani Lacson, “Among all the presidential aspirants, narito man o laging absent, walang sinuman kundi ako ang sadya at aktuwal na nagsugal ng sariling buhay sa pagligtas sa panganib ng sinuman.”

Dagdag nito, “It takes a leader, who is competent, qualified, and experienced to turn the promises of ‘Unity,’ ‘Bilis Aksyon,’ at ‘Angat Buhay’ into reality.”

Kailangan aniya ng pangulo na handang ipaglaban ang lahat upang maipanalo ang sambayanang Pilipino.

Ka-tandem ng presidential aspirant si vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Read more...