Presidential candidates, handa na sa Comelec presidential debate

Photo credit: Office of Comelec Chairman Pangarungan

Dumating na ang siyam sa 10 presidential candidates para sa 2022 National and Local Elections.

Isasagawa ang unang presidential debate ng Commission on Elections (Comelec) sa Harbor Garden Tent, Sofitel sa Pasay City bandang 7:00, Sabado ng gabi (March 19).

Isa-isang nagdatingan ang mga kandidato sa venue simula 4:30 ng hapon.

Bago magsimula, sumalang ang mga presidential aspirant sa briefing ukol sa draw lots sa debate.

Tanging si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hindi dadalo sa debate.

Read more...