TnT nanghina ang signal, Ginebra pasok sa PBA semis

PBA FACEBOOK PHOTO

Nakabawi ang Barangay Ginebra sa pagkakatalo sa Talk n Text Tropang Giga sa huling PBA Philippine Cup.

 

Tinambakan ng Ginebra ang TnT para sa kumbinsidong panalo, 115-95, sa kanilang quarterfinal series ng PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliesum.

 

Nagtulong sina Justin Brownlee at Scottie Thompson sa ikalawang yugto ng laro para makuha ang double-digit na kalamangan, 59-48, sa halftime.

 

Sa ikatlong yugto, ginanahan naman si Japeth Aguilar, na tumikada ng 26 puntos.

 

Samantala, 29 puntos ang ginawa ni Brownlee at 22 puntos naman kay LA Tenorio, na tinanghal na Best Player of the Game.

 

Si Thompson may 17 puntos, 10 rebounds at siyam na assists.

 

Naposasan si Mike Williams sa unang kalahati ng laro, ngunit nag-init sa ikatlong yugto para makakolekta ng 17 puntos.

 

Sa pagpasok ng serye may ‘twice-to-beat advantage’ ang TnT.

Read more...