Inbound travelers sa bansa, inaasahang tataas sa 12,000 kada araw

Tataas pa ng 12,000 kada araw ang inbound travelers sa bansa kasabay ng opisyal na pagsisimula ng summer season.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na sa ngayon, nasa 10,000 ang daily arrivals.

Pero dahil summer season na sa Pilipinas, tiyak na dadami pa ang mga dayuhang turista ang darating sa bansa.

Noong Pebrero 10 lamang, binuksan na ng Pilipinas ang pintuan sa fully vaccinated foreign travelers mula sa 157 visa-free countries.

Read more...