Apat na lugar sa Maynila, COVID-free na

Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa apat na lugar sa Maynila.

Sa huling Manila Health Department (MHD) monitoring hanggang 12:00, Sabado ng tanghali (March 19), COVID-free na ang Ermita, Intramuros, San Miguel, at San Nicolas.

Sa ngayon, nasa 111,712 na ang kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit sa lungsod, kung saan 96 ang aktibo pa.

64 naman ang bagong gumaling, kung kaya’t 109,751 na ang total COVID-19 recoveries.

Samantala, nanatili sa 1,874 ang COVID-19 deaths sa Maynila.

Read more...