Mababa sa 10 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa 10 lugar sa National Capital Region (NCR).
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na 128 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Metro Manila noong Biyernes, March 18.
Sa nasabing bilang, 28 bagong COVID-19 cases ang naitala sa City of Manila; 20 sa Quezon City; tig-11 sa Caloocan City, City of Makati, at Pasay City, habang 10 sa City of Parañaque.
Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– City of Pasig (8)
– Taguig City (8)
– City of Muntinlupa (4)
– City of Valenzuela (4)
– City of Las Piñas (3)
– City of Malabon (3)
– City of Marikina (2)
– City of San Juan (2)
– City of Mandaluyong (1)
– Pateros (1)
Wala namang napaulat na bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City.