Willie Revillame, inendorso si Sara Duterte sa pagka-bise presidente

Screengrab from Wowowin’s YouTube livestream

Inendorso ng aktor at host na si Willie Revillame si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio sa kandidatura sa pagka-bise presidente.

Sa live episode ng Wowowin sa Cebu City Sports Center noong Biyernes, ipinakilala ni Revillame ang Presidential daughter bilang “ilaw ng tahanan.”

Inalay din ng host ang kaniyang signature song na “Ikaw na Nga” kay Duterte.

Inihayag din ni Revillame na handa siyang tumulong kay Duterte-Carpio.

“Basta Ma’am Sara, kung anong maitutulong namin sa’yo, kung anong maitutulong ko sa’yo, kung kailangan mo ako, walang kabayaran, wala. Ang gusto ko lang ang ngiti sa mga labi ng ating kababayan,” saad nito.

Mayroon ding video message si Pangulong Rodrigo Duterte para sa vice presidential candidate.

“So, ‘Day, be true to your country, work hard for the people. And the rewards I think may be–are there, made in heaven. Not here. Trabaho ka lang and be good. I love you,” pahayag ng pangulo.

Tumatakbo si Duterte-Carpio kasama si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilalim ng UniTeam.

Read more...