Lebel ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa bansa, bumaba

Bumaba ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 193.51 meters ang antas ng tubig ng Angat dam bandang 6:00, Sabado ng umaga (March 19).

Mababa ito ng 18.49 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.

Nabawasan din ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam (744.10 meters); Binga dam (573.51 meters); San Roque dam (239.92 meters); Pantabangan dam (190.30 meters); at Caliraya dam (286.50 meters).

Samantala, nadagdagan ang lebel ng tubig sa Ipo dam (98.90 meters); La Mesa dam (78.47 meters); at Magat dam (179.87 meters).

Read more...