Kaso ng COVID-19 sa PNP, bahagyang tumaas

Bahagya pang tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Sabado (March 19), anim na pulis na bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, nasa 48,856 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, kung saan 24 ang aktibo.

Dalawang pulis naman ang gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,704 na ang total recoveries.

Samantala walang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...