Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Enero 2022 sa kabila ng mas mahigpit na quarantine level saa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 2.93 milyon na lamang ang mga walang trabaho o katumbas na 6.4 percent.
Mas mababa ito kumpara sa 3.27 milyon o 6.6 percent na walang trabaho noong Disyembre 2021.
Sa ngayon, umiiral pa rin ang Alert Level 1 sa Metro Manila dahil nagpapatuloy pa ang banta ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES