Isko: Hindi mo maisasaing at makakain ang salitang pagkakaisa

Hindi nakakain ang pagkakaisa.

Pahaging ito ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno sa isinusulong na unity ng katunggaling si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Moreno, hindi makareresolba sa problema ng pagkagutom ang salitang pagkakaisa.

Lalong hindi maisaing, hindi maiulam at hindi makain ang salitang pagkakaisa.

Banat pa ni Moreno, kapag hindi humarap ang isang aplikante sa pagka-pangulo sa mga debate,  bilang botante, hindi niya ito iboboto.

Matatandaang hindi dadalo sa debate ng Commission on Elections si Marcos bukas, Marso 19.

Paliwanag ni Moreno, ang debate ay isang outlet para makilala ng lubos ng taong bayan ang isang candidate.

 

 

Read more...