Hihingiin ni Senator Christopher Go ang paliwanag ng Philippine Athletics Track and Field Asso. (PATAFA) ukol sa mosyon na i-contempt sila dahil sa pagbalewala sa utos ng Senado.
Kamakalawa, inihain ni Sen. Pia Cayetano ang mosyon matapos suwayin ng PATAFA ang utos ng Senate Committee on Sports na makipag-ayos kay Filipino Olympian EJ Obiena.
Ang mosyon ay sinegundahan nina Senate President Vicente Sotto III, Sens. Panfilo Lacson at Francis Tolentino.
Ayon kay Go, ang namumuno sa Senate Sports Committee, na nais niyang maayos na maresolba ang isyu upang maprotektahan ang kapakanan ng mga atletang Filipino.
Aniya ang ilalabas niyang show cause orders ay para sa Board of Directors ng PATAFA at muling magkakaroon ng pagdinig ang kanyang komite.
“Huwag na sanang haluan ang pulitika ang sports dahil walang panalo sa hidwaan na ito,” diin ni Go.