Lagpas 6.08 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,081,408 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 994,739.
Sumunod na rito ang Brazil na may 656,003 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 516,162 naman ang death toll sa India habang 362,478 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 321,619
– Peru – 211,619
– United Kingdom – 163,248
– Italy – 157,314
– Indonesia – 152,975
– France – 140,613
– Colombia – 139,361
– Iran – 139,289
– Argentina – 127,334
– Germany – 126,830
– Poland – 113,773
– Ukraine – 107,340
– Spain – 101,416
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 464,462,115 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 396,690,694 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.