Hanggang walang maghahain ng pormal na reklamo hindi kikilos ang Commission on Elections (COMELEC) sa ulat ng pamamahagi ng pera sa campaign rally ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr., sa Nueva Ecija kamakailan.
Sinabi ni Comm. George Garcia iimbestigahan lang nila ito kung may pormal na magrereklamo.
“Regarding the alleged pamimigay ng pera, we will wait for the proper complaint to be filed so that we can take action thereon,” sabi pa nito.
Kumalat sa social media ang videos ng pamamahagi ng envelope na naglalaman diumano ng P500 sa mga dumalo sa campaign event ni Marcos sa nabanggit na lalawigan.
Itinanggi naman na ng kampo ni Marcos na may kinalaman sila sa sinasabing pamamahagi ng pera at nangako na iimbestigahan din nila ito.
Nagsilbing abogado ni Marcos si Garcia sa protesta nito laban kay Vice President Leni Robredo bagamat una na rin inanunsiyo ng opisyal na nag-inhibit na siya lahat ng kaso kung saan nagsisilbi siyang abogado o tagapayong-legal.