Pinagbilinan ni PROMDI presidential aspirant Manny Pacquiao ang sambayanan na huwag umaasa na tao na may pananagutan ang mga kandidato na hindi nakikilahok sa mga debate.
Aniya ang mga ganitong klase ng kandidato ay ang tao na gagawin ang anuman nais nilang gawin ng walang pananagutan.
“Nakakatakot yang mga ganyang kandidato sa ating republika. Pag na-elect na sila kahit magnakaw pa sila nang magnakaw wala silang pananagutan dahil ibinoto sila ng tao kahit alam na magnanakaw sila,” sambit ni Pacquiao.
Sinabi pa nito, ang mga kandidato ay hindi dapat nagbibigay ng kung ano-anong katuwiran at dahilan sa kanilang hindi pagharap sa mga debate.
Dapat aniya inirerespeto ng mga kandidato ang karapatan ng mga botante na makilatis ang kanilang pagkatao.
Pagtitiyak ni Pacquiao, dadalo siya sa lahat ng inorganisang debate ng Commission on Elections (COMELEC) gayundin ng civil society groups.