Ayuda sa tricycle drivers, delivery service riders pinamamadali ni Sen. Gatchalian

Nanawagan si reelectionist Senator Sherwin Gatchaian sa Department of Transportation (DOTr) at mga lokal na pamahalaan na madaliin ang pamamahagi ng ayuda sa mga tricycle drivers at delivery service riders na apekatado ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

Sinabi ni Gatchalian sa 337,443 benipesaryo ng Pantawid Pasada Program, 113,000 ang tricycle drivers at delivery service riders.

Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng cash subsidy at may ulat na sa susunod na buwan pa maayudahan ang mga tricycle drivers at service riders.

“We need a timetable. Tricycle drivers and delivery service riders are equally important as the other public utility drivers. Nahihirapan din sila,: diin ni Gatchalian.

Sabi pa nito, may listahan na ang mga lokal na pamahalaan at maari nilang ihanda ito sa umaga at umpisahan ang pamamahagi sa hapon.

“I’m not satisfied with the uncertainty. Uncertain na nga yung presyo, uncertain pa rin yung ayuda,” giit ni Gatchalian.

Read more...