PM ng Bosnia, pinagbabato

Pinagbabato ng bote at bato ang Prime Minister ng Serbia nang dumalo sa commemoration ng 1995 Srebrenica Massacre sa Bosnia.

Dahil dito ay napilitan na lamang ang security personnel na ipasok sa sasakyan si Serbian Prime Minister Aleksander Vucic.

Ayon kay Vucic, tinamaan siya ng bato sa bibig subalit maliit lamang ang sugat.

Nabatid na libu-libong katao ang nagtipon sa Bosnia-Herzegovina para gunitain ang largest single atrocity sa Europe simula noong World War II.

Tinatayang aabot sa pitong libong Muslim, karamihan ay mga batang lalaki ang pinatay ng Bosnian Serb Army may dalawampung taon na ang nakararaan./ Chona Yu

Read more...