Negros Occidental groups sumuporta sa tambalang BBM – Sara

Tiniyak ng mga lokal na opisyal, organisasyon ng mga sugarcane planters at iba pang grupo sa Negros Occidental ang kanilang suporta sa tambalang Bongbong Marcos – Sara Duterte.

 

Sa manifesto of support, inihayag ng mga grupo na naniniwala sila sa mensahe ng pagkakaisa nina Marcos at Duterte na may pagmamahal sa bansa.

 

Sa gitna anila ng mga hirap at pagsubok, ang pagkakaisa ang unang hakbang upang makamit ang paghilom, pag-usad at pag-unlad ng bansa.

 

Pinuri rin ng mga samahan ang kababaang loob nina Marcos at Duterte, at ang masidhing pagsisikap nila na mapagsilbihan ang taumbayan ng buong puso.

 

Tiwala din aniya sila sa kakayahan ng dalawa na pamunuan ang bansa patungo sa bagong pag-asa sa gitna ng walang katiyakang idinulot ng dalawang taong pandemya.

Read more...