Inaasikaso na ng Department of Budget and Management ang guidelines para sa gagawing pamamahagi ng P200 kada buwan na ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.
Idinagdag pa ni acting presidential spokesman Martin Andanar na ang Department of Social Welfare and Development, gayundin ang local government units ang mangangasiwa sa pamamahagi ng ayuda.
Sinabi nito may listahan ang DSWD at ito ang masterlist na ginamit naman sa Social Amelioration Program (SAP).
Tinatayang 12 milyong pamilya na may katumbas na 70 milyong indibiduwal ang mabibiyayaan ng panibagong ayuda.
Kahapon, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang bagong ayuda base sa rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) kapalit nang pagsuspindi sa fuel excise taxes.
READ NEXT
PATAFA ipinapa-contempt ni Sen. Pia Cayetano dahil sa pang-iipit kay champion pole vaulter EJ Obiena
MOST READ
LATEST STORIES