Nag-mosyon si Senator Pia Cayetano para ma-contempt ang mga miyembro ng board ng Philippione Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa panggigipit kay Filipino Olympian Ernest John Obiena.
Katuwiran ni Cayetano sinuway ng PATAFA ang utos ng Senate Committee on Sports na makipag-ayos kay Obiena.
Pumirma sa mosyon ni Cayetano sina Senate President Vicente Sotto III, Sens. Panfilo Lacson at Francis Tolentino.
Sa pagdinig ng komite noong Pebrero 7 inatasan ang PATAFA at si Obiena na mag-usap sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) para maayos na ang hindi pagkakaintindihan ukol sa paggamit ng pondo.
Ngunit naghain ng kaso laban kay Obiena ang PATAFA sa Court of Arbitration for Sport sa Switzerland, na lubos na nakakaapekto sa pagsasanay at panahon ni Obiena.