Japan, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol

Photo credit: USGS website

Tumama ang magnitude 7.3 na lindol sa Japan, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, tinamaan ng malakas na lindol ang Silangang bahagi ng Japan, na yumanig din sa Tokyo.

Dahil dito, ilang naglabas ng tsunami advisory sa ilang parte ng northeast coast.

Namataan ang sentro ng lindol sa Fukushima region at may lalim na 60 kilometers.

Sinabi naman ng electricity provider na TEPCO na mahigit dalawang milyong bahay ang nakaranas ng power interruption, kabilang ang 700,000 sa Tokyo.

Nagsasagawa na ng assessment ang mga awtoridad sa pinsalang idinulot ng lindol.

Read more...