Easterlies, umiiral pa rin sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na nakakaapekto sa bansa ang Easterlies o hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko.

Bunsod nito, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Obet Badrina na mararamdaman pa rin ang maalinsangang panahon sa bansa.

Aniya, maari pa ring makaranas ng isolated rainshowers at thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa, lalo na sa hapon o gabi.

Walang binabantayang low pressure area (LPA) sa teritoryo ng bansa.

Dahil dito, wala aniyang inaasahang bagyo na mabubuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

Read more...